Home NATIONWIDE US, human rights groups ng Pinas sanib-pwersa kontra cybersecurity threats

US, human rights groups ng Pinas sanib-pwersa kontra cybersecurity threats

MANILA, Philippines- Tinutulungan ng Estados Unidos ang Philippine-based human rights organizations sa paghadlang sa cybersecurity threats kabilang na ang “doxing, phishing, at origanisadong digital na pag-atake.”

Sinabi ng US Embassy in Manila na nagbibigay ng pondo ang Amerika para palakasin ang kakayahan ng human rights organizations.

Sa pakikipagsanib-pwersa sa Asia Foundation, nauna nang naglunsad ang US Agency para sa International Development (USAID) ng P16.8-million Cybersecurity for Human Rights in the Philippines (C4HR-PH) initiative, na makapagbibigay ng kagamitan at kasanayan sa mahigit 150 local organizations sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa mahigit na 10 buwan.

Tutulong ang Cybersecurity experts mula sa Asia Foundation na magdisensyo at maghatid ng mga pagsasanay sa risk management, digital security assessments, phishing awareness, at adopsyon ng cybersecurity protocols, gaya ng multi-factor authentication at regular data backups.

Ang kagamitan at kaalaman na ipagkakaloob sa pamamagitan ng C4HR-PH ay makatutulong sa human rights defenders na gawin ang kanilang mahalagang advocacy work, pangalagaan ang private data, at isulong ang katarungan at pananagutan nang walang pagkagambala o paghihiganti.

“Now ore than ever, civil society organizations are reliant on technology and the internet to operate and pursue our advocacies. We welcome this partnership as it helps us protect our members who are constantly online and vulnerable to cyberattacks,” ang sinabi ni Sheila Formento, national coordinator of the Alternative Law Groups.

Ang grupo ay koalisyon ng organisasyon na nagbibigay ng legal na serbisyo sa marginalized communities.

“This new project aligns with the US commitment to empower and enable organizations to continue their work to promote human rights and democracy,” ayon sa embahada.

“Cyber resilience is not just about protecting data. It is about ensuring that democracy defenders can continue their vital work without fear of digital interference,” ang tinuran naman ni USAID Philippines Acting Mission Director Rebekah Eubanks sabay sabing, “This initiative reflects USAID’s commitment to fostering a safe and open digital space for civil society.”

Sa loob ng gobyerno ng Pilipinas, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang aktibo sa”’building capacity” para mapahusay pa ang kanilang cybersecurity competencies.

Kamakailan, ang Department of National Defense, sa pakikipagtulungan sa Cyber Battalion, Army Signal Regiment (ASR) ng Philippine Army ay nagsagawa ng 3rd Cybersecurity Exercise (CYBEX 2024) sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na ang aktibidad ay naglalayong itaas ang kamalayan at gawing mahusay at maayos ang cybersecurity competencie’ ng Defense department at mga burukrasya nito habang pinangangalagaan ang kolaborasyon sa pagtugon sa mga nagsusulputang cyber threats.

Tampok dito ang hands-on simulation exercise gamit ang Cyber eXercise for eXcellence (Cyber eX) platform, pag-develop sa in-house Philippine Army Cyber Battalion.

“Participants engaged in advanced challenges, including digital forensics, cryptography and artificial intelligence, gaining practical experience in addressing sophisticated cyber threats while fostering collaboration and strategic thinking,” ayon kay Andolong.

Aniya pa, binigyang-diin sa CYBEX 2024 ang suporta ng DND sa pagtatayo ng cyber-resilient defense force. Kris Jose