UNITED STATES – Muling pakakalasin ni President Donald Trump ang Estados Unidos mula sa Paris climate deal, sinabi ng White House nitong Lunes, Enero 20.
Ang desisyon na ito ay maglalagay sa US bilang iilan sa mga bansa na hindi kasama sa naturang kasunduan, kasama ang Iran, Libya at Yemen.
Sa anunsyo na nakalagay sa isang dokumento mula sa White House, ipinapakita rito ang pagdududa ni Trump kaugnay sa global warming na tinatawag niyang ‘hoax’ na naglalagay sa agenda ng kanyang administrasyon na mas palakasin pa ang output sa paggamit ng U.S. oil at gas drillers.
Kumpiyansa naman si United Nations Secretary-General Antonio Guterres na ang mga lungsod, estado at negosyo sa US “will continue to demonstrate vision and leadership by working for the low-carbon, resilient economic growth that will create quality jobs,” ayon kay associate U.N. spokesperson Florencia Soto Nino.
“It is crucial that the United States remains a leader on environmental issues,” aniya.
“The collective efforts under the Paris Agreement have made a difference but we need to go much further and faster together.”
Matatandaan na kasabay ng anunsyo ng mga plano sa administrasyong Trump ay nanumpa na ito bilang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos.
Matatandaan na kumalas na rin ang US mula sa Paris deal sa unang termino ni Trump sa kanyang opisina, bagamat inabot ng ilang taon ang proseso nito, na agad namang naibalik nang manungkulan si Joe Biden noong 2021. RNT/JGC