Home NATIONWIDE US travel ban sa 12 bansa iiral ngayong Lunes

US travel ban sa 12 bansa iiral ngayong Lunes

320
0

WASHINGTON- Iiral na ang kautusan ni US President Donald Trump na nagbabawal sa mga citizen ng 12 bansa na makapasok sa United States ng 12:01 a.m. ET (0401 GMT) ngayong Lunes, aksyong ikinasa ng presidente upang protektahan umano ang bansa mula sa “foreign terrorists.”

Kabilang sa mga apektadong bansa sa nasabing travel ban ang Afghanistan, Myanmar, Chad, Republic of the Congo, Equatorial Guinea, Eritrea, Haiti, Iran, Libya, Somalia, Sudan at Yemen.

Gayundin, nilimitahan ang pagpasok ng mga indibidwal mula sa pito pang bansa– Burundi, Cuba, Laos, Sierra Leone, Togo, Turkmenistan at Venezuela.

Sinabi ni Trump, isang Republican, na ang mga tinukoy na bansa na may “large-scale presence of terrorists,” ay pumalyang makipag-ugnayan sa visa security, hindi nabeberipika ang pagkakakilanlan ng mga biyahero, at hindi umano sapat ang record-keeping ng criminal histories at high rates ng visa overstays sa United States.

Dismayado naman ang mga opisyal at residente ng mga apektadong bansa sa nasabing polisiya.

Samantala, inihayag ng Democratic US lawmakers ang pagkabahala.

“Trump’s travel ban on citizens from over 12 countries is draconian and unconstitutional,” pahayag ni US Representative Ro Khanna sa social media. “People have a right to seek asylum.” RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here