Home METRO LGBTQ couple ikinasal sa Isabela

LGBTQ couple ikinasal sa Isabela

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng kauna-unahang same-sex marriage sa Isabela nitong Linggo, Hunyo 8.

Ikinasal ang LGBTQ couple na sina Mart Andres at Engs Bravo mula sa Barangay Nagbukel, San Isidro, Isabela sa isang resort sa Barangay Santo Tomas, Alicia.

Sinabi ni Andres sa isang Facebook post:

“We are beyond thrilled to have you join us on our special day!

“Your presence means the world to us, and we can’t wait to celebrate this joyous occasion with each and every one of you.

“As we stand together to exchange vows and begin this new chapter in our lives, we are grateful to have such wonderful people like you to share in our happiness. Your love and support have meant everything to us, and we are so blessed to have you in our lives.

“Thank you for being a part of our journey and for being here to witness our love and commitment to each other. Let’s make beautiful memories together and celebrate the love that brings us all together.”

Kinumpirma ng officiating priest na si Pastor Macario Sangcap ng Lovewins Christian Church Philippines, may 7,400 followers sa Facebook, ang kasal.

Subalit, sinabi ni Sangcap na hindi pa ito legal na kinikilala.

“Ang kasal ng mga LGBT dito sa Pilipinas ay hindi pa legal dahil hindi pa talaga legalized ang same-sex marriage dito pero hindi naman siya bawal because we are protected by freedom of religion.

“However, kahit hindi pa ito legal sa atin ay nagagamit naman ang Certificate of Holy Union sa mga bansang merong marriage equality law/domestic partnership/civil union or same-sex marriage as proof of togetherness or evidence of the relationship na magagamit ng couple upang ma-petition ang partner in life or spouse niya for spousal visa or family visa sa USA, Canada, Australia, New Zealand, and Europe, etc.

“May couple na din na nagamit nila ang Certificate of Holy Union as proof of togetherness or evidence of relationship sa mga insurance company. Nagamit din sa bangko for joint account.

“Pero hindi pa din mapapaplitan ang surname o apelyido ng isa at hindi pa marerehistro ang kasal nila sa PSA kasi wala pa tayong marriage equality law or isang batas na kikilala sa LGBTQ couple as gamily kaya hindi pa magkakaroon ng marriage certificate or marriage license.

Nag-viral sa social media ang okasyon at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens. RNT/SA