Home NATIONWIDE Usec Bernabe, itinalagang tagapagsalita ng DPWH

Usec Bernabe, itinalagang tagapagsalita ng DPWH

260
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Undersecretary Ricardo Bernabe III bilang spokesperson sa mga legal na katanungan, ayon sa pahayag ni Secretary Vince Dizon nitong Lunes.

Inanunsyo ito ni Dizon sa pulong balitaan nitong Lunes ng umaga ngunit hindi pa inihayag ang opisyal na pagsisimula ng kanyang termino sa kagawaran.

Si Bernabe ay nagsisilbing undersecretary para sa Office of the Secretary, Information Management Service, Stakeholders Relations Service, at Legislative Liaison Office.

Bago ito, nagsilbi siya bilang commissioner ng National Police Commission noong 2022.

Noong Nobyembre 2024, itinalaga siya bilang vice chairperson at executive officer ng Napolcom bago bumalik sa kanyang papel bilang commissioner noong Abril 2025.

Bago ang kanyang posisyon sa Napolcom, nagsilbi si Bernabe bilang undersecretary para sa strategic action and response sa Office of the Executive Secretary sa MalacaƱang.

Umalis siya sa Napolcom noong Setyembre ng nakaraang taon upang sumali sa DPWH matapos ang appointment ni Dizon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here