MANILA, Philippines – Isang graduate ng University of Santo Tomas ang nanguna sa 2023 Bar Examinations.
Inanunsyo ni 2023 Bar Chair Justice Ramon Hernando na top 1 sa Bar si Ephraim Porciuncula Bie na nakakuha ng 89.2625 percent.
Sa 19,387 na examinees ay 3,812 ang nakapasa sa isa sa itinuturing na mahirap na pagsusulit.







