Home METRO Utak pulburang bagitong sundalo na nagpaputok ng baril, arestado

Utak pulburang bagitong sundalo na nagpaputok ng baril, arestado

1
0

CLAVERIA, Cagayan – Arestado ang isang 28-anyos na bagitong sundalo matapos ireklamo sa pagpapaputok ng baril sa harap ng bahay ng kanyang sariling  bayaw sa Brgy. Luzon, Claveria, Cagayan kaninang madaling-araw.

Pansamantala itinago sa pangalang Cpl.Bugoy ang suspek, may asawa, myembro ng Philippine Army, at residente ng Calanasan, Apayao.

Batay sa report ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) dakong alas-12:10 ng madaling-araw ng sumugod ang suspek sa harap ng bahay ng kanyang bayaw at paulit-ulit na  hinamon para lumabas. Nang dedmahin si Bugoy dito na walang habas na  nagpaputok ng baril na ikinabulabog pa ng mga residente. Pagkatapos ay umalis ang suspek  sakay ng isang kulay abong sasakyan  patungo sa bayan ng  Abulug.

Ayon naman sa  asawa ng biktima na  kapatid  mismo  ng suspek, nagising sila sa malakas na pagsisigaw ng suspek sa labas ng kanilang bahay.

Makalipas ang ilang sandali at walang lumabas sa kanilang tahanan, sunod-sunod na putok ng baril ang kanilang narinig bago tuluyang tumakas ang suspek.

Sa isinagawang imbestigasyon sa lugar ng insidente  nakarekober ang mga awtoridad ng anim (6) na basyo at isang live ammo ng M16 armalite rifle at tatlong (3) basyong kalibre 45.

Agad namang hinanting  ng Claveria Police Station  hanggang sa matunton ang suspek sa kanyang pinagtaguan sa isang  compound sa Brgy. Centro 8, Claveria, Cagayan.

Nakumpiska  sa pag-iingat ng suspek ang isang M16 rifle; isang caliber .22 rifle na may scope; isang caliber .45 pistol; isang long magazine; dalawang magazine ng Caliber .45; isang magazine ng Caliber .22; 21 piraso ng live 5.56 mm cartridges; pitong (7) live .45 caliber cartridges; 10 piraso ng live .22 caliber cartridges; isang itak; mission order; AFP Identification Card; License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Identification Card; Philippine Army uniform; war belt; bandolier; sling bag; gayundin ang sasakyan na ginamit nito sa kanyang pagtakas.

Dinala si Cpl.Bugoy sa Claveria Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda ng mga kasong isasampa laban sa kanya. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here