Home NATIONWIDE ‘Utak’ sa missing sabungeros, mapera; mga korte kayang pasukin

‘Utak’ sa missing sabungeros, mapera; mga korte kayang pasukin

MANILA, Philippines – Nagbabala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng may sapat na pera ang itinuturong utak sa pagkawala ng 34 sabungeros upang makaimpluwensya kahit sa hudikatura.

“Ang bigat ng kalaban dito kasi ang pera niyan makakapasok ‘yan hanggang even sa judiciary. That’s one thing that we might have to talk to the Chief Justice about,” ani Remulla sa isang ambush interview.

Tumangging magkomento ang Korte Suprema dahil wala pa umanong pormal na pag-uusap kay Remulla.

Hindi pinangalanan ni Remulla ang suspek dahil nagpapatuloy pa ang case build-up.

Kamakailan, sinabi ng isa sa mga akusado na itinapon sa Taal Lake ang mga bangkay ng mga biktima.

Humihingi na ang pamahalaan ng tulong sa Japan para sa retrieval equipment, ngunit wala pa umanong nasisimulang operasyon. RNT