Home HOME BANNER STORY Utang ng Pilipins, lumobo sa P18.55 trilyon

Utang ng Pilipins, lumobo sa P18.55 trilyon

1
0

MANILA, Philippines — Umakyat sa rekord na P18.55 trilyon ang outstanding debt ng national government hanggang katapusan ng Mayo, bunsod pangunahin ng mas mataas na domestic borrowings para pondohan ang pangangailangan ng pamahalaan sa gitna ng geopolitical uncertainties sa Middle East, ayon sa Bureau of the Treasury nitong Huwebes.

Batay sa datos ng BTr, tumaas ng P76.11 bilyon, o 0.41 porsiyento, ang debt stock mula sa P18.47 trilyon na naitala noong katapusan ng Abril. Pangunahing dahilan nito ang net issuance ng domestic securities.

Sinabi ng Treasury na nakatulong ang paglakas ng piso laban sa US dollar at iba pang foreign currencies upang mapabagal ang pagtaas ng kabuuang debt burden.

Umabot sa 67.37 porsiyento ng kabuuang utang ang domestic obligations, habang 32.63 porsiyento naman ang external debt. Ipinapakita nito ang patuloy na pag-asa ng pamahalaan sa local financing upang suportahan ang domestic capital markets at mabawasan ang exposure sa foreign exchange risks.

Tumaas ng P80.12 bilyon, o 0.65 porsiyento, ang domestic debt sa P12.50 trilyon, pangunahing dulot ng net issuance ng government securities na nagkakahalaga ng P80.23 bilyon.

Samantala, bahagyang bumaba ng P4.01 bilyon, o 0.07 porsiyento, ang external debt sa P6.05 trilyon dahil na-offset ng paborableng foreign exchange movements ang panibagong external borrowings. Ayon sa BTr, nagresulta ang paglakas ng piso sa downward valuation effect na P18.91 bilyon, na mas mataas kaysa P14.90 bilyon na net external debt availments.

Kung ikukumpara sa nakaraang taon, tumaas ng P1.63 trilyon, o 9.62 porsiyento, ang kabuuang outstanding debt mula sa P16.92 trilyon noong Mayo 2025. Mula simula ng 2026, lumobo na ang debt stock ng P838.9 bilyon, katumbas ng 4.74 porsiyentong pagtaas.

Iniulat din ng BTr na umakyat sa P443.50 bilyon ang national government guaranteed obligations hanggang katapusan ng Mayo, mas mataas ng P60.28 bilyon kumpara sa nakaraang buwan, dahil pangunahin sa bagong domestic guarantees.

Iginiit ng Treasury na nananatiling nakaayon ang debt portfolio ng pamahalaan sa prudent debt management strategy nito, habang patuloy ang preference sa domestic funding at pamamahala sa foreign exchange exposure. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here