Home HOME BANNER STORY Utang ng Pinas, umabot na sa P18.49T

Utang ng Pinas, umabot na sa P18.49T

83
0

MANILA, Philippines – Umabot sa bagong record high na ₱18.49 trilyon ang outstanding debt ng pamahalaan ng Pilipinas noong Marso, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr) nitong Miyerkules.

Mas mataas ito ng halos 2% kumpara sa ₱18.16 trilyon noong Pebrero.

Ayon sa BTr, ang pagtaas ay dulot ng patuloy na paghina ng piso at pagtaas ng domestic borrowings.

Umakyat sa ₱12.53 trilyon ang domestic debt, tumaas ng ₱55.4 bilyon o 0.44% mula sa nakaraang buwan, dahil sa net issuance ng government securities na umabot sa ₱46.72 bilyon.

Dagdag pa rito, nakatulong din sa pagtaas ang paghina ng piso, na nagdagdag ng ₱8.68 bilyon sa halaga ng foreign currency-denominated domestic securities.

Samantala, patuloy na humina ang piso noong Marso dahil sa paglakas ng US dollar na apektado ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan. Noong Marso 19, unang lumampas ang piso sa ₱60 per US dollar, at lalo pang humina hanggang ₱60.69 pagsapit ng katapusan ng buwan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here