Home NATIONWIDE Utol ni Veloso minaltrato rin ng employer sa Saudi – DMW

Utol ni Veloso minaltrato rin ng employer sa Saudi – DMW

MANILA, Philippines – Darating sa susunod na linggo ang kapatid ni Mary Jane Veloso na iniulat na sexual na inabuso ng kanyang employer sa Saudi Arabia.

Kinumpirma ito ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac kung saan mas maaga ito kaysa sa inaasahan.

Ayon kay Cacdac, original na naipangako sa pamilya na iuuwi siya bago ang mag-Pasko ngunit ginagawa na ng Migrant Workers Office para mapadali ang pagbabalik niya sa susunod na linggo.

Binisita ni Cacdac ang pamilya ni Veloso noong Nov.23 matapos payatan ng gobyerno ng Indonesia si Mary Jane na ilipat pabalik sa Pilipinas.

Ayon pa sa DMW, noon lamang nalaman ang sitwasyon ng kapatid ni Mary Jane at ipinangako sa pamilya na agad itong ire-repatriate.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang pamilya ni Veloso kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at sa gobyerno ng Pilipinas sa panibagong positibong pag-unlad.

Bukod dito,nangako si Cacdac na magbibigay ng psychosocial counseling para sa panganay na anak ni Veloso na si Daniel ,gayundin ng skills training sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority ,kasama ng tulong pinansyal.

Namigay din ang DMW ng TESDA training voucher sa pamilya Veloso. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)