Home NATIONWIDE Valenzuela, PNP pinuri ni TOL sa pagkamit ng kapayapaan, kaayusan

Valenzuela, PNP pinuri ni TOL sa pagkamit ng kapayapaan, kaayusan

VALENZUELA CITY – Pinuri ni reelectionist Senator Francis ‘TOL’ Tolentino ang Valenzuela City government sa pagbibigay ng suporta na kailangan ng Philippine National Police (PNP) para gawing mas ligtas na komunidad ang lungsod.

Nakiisa si Tolentino sa turnover ceremonies ng 25 patrol cars at 40 motorsiklo mula sa lokal na pamahalaan sa Valenzuela police force noong kahapon ng umaga.

“The transfer of resources from the LGU to the PNP is a testament to the collaboration between the local and national government to achieve peace and order,” anang senador sa kanyang speech sa seremonya na pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian, kasama ang mga opisyal ng lungsod at ng pulisya.

“Alagaan ang resources, equipment and the trust given to you by Mayor Gatchalian and the people of Valenzuela,” ang hikayat pa ni TOL sa mga pulis.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan na gawin ang komunidad na ligtas para sa mga residente at negosyo upang hikayatin ang mas maraming pamumuhunan at palakasin ang domestic economy.

“Ang pagbibigay-diin sa kapayapaan at kaayusan ay simbolo ng isang responsable at pasulong na lokal na pamahalaan,” pagtatapos niya. RNT