Home TOP STORIES Vargas nakidalamhati sa pamilya ng batang natagpuang patay sa Novaliches

Vargas nakidalamhati sa pamilya ng batang natagpuang patay sa Novaliches

269
0

MANILA, Philippines – TAOS-pusong nakiramay si Quezon City 5th District Councilor Alfred Vargas sa pamilya ng batang babae na natagpuang patay nitong Linggo sa bakanteng lote sa Barangay Sta Lucia, Novaliches.

Ayon kay Vargas, bilang isang ama ay hindi nito maisip kung gaano kasakit ang pinagdadaanan ngayon ng mga magulang ng biktima at ang tanging magagawa lamang niya ay ang tiyakin na kaisa siya sa oras ng kanilang pagdadalamhati.

“Bilang isang ama, hindi ko maisip ang tindi ng sakit at pangungulilang pinagdadaanan ninyo. Sa ganitong trahedya, walang sapat na salita—pero sana’y maramdaman ninyo na kasama ninyo kami sa oras ng pighati.” pahayag ni Vargas.

Nanawagan din si Vargas sa kinauukulan na tiyakin na mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng biktima.

Aniya, ang ganitong uri ng krimen kung saan menor de edad ang mga sangkot ay maituturing na kirot sa ating buong komunidad, kaya naman tinitiyak niyang hindi niya ito palalampasin.
.
“Ang ganitong krimen—na parehong menor de edad ang sangkot—ay kirot sa ating buong komunidad.Makakaasa po kayo na hindi namin palalampasin ito. Kaisa ninyo kami sa panalangin, sa pakikidalamhati, at sa paninindigan para sa hustisya.” dagdag ng konsehal.

Matatandaan na nitong linggo ay natagpuan ang bangkay ng 9-anyos na biktima sa isang bakanteng lote sa Barangay Sta Lucia.

Ang biktima ay huling nakitang buhay kasama ng 13-anyos na kapitbahay na siya ring suspect sa krimen. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here