Home NATIONWIDE VAT-exempt na mga gamot sa cancer, high cholesterol nadagdagan

VAT-exempt na mga gamot sa cancer, high cholesterol nadagdagan

MANILA, Philippines – Dinagdagan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 15 pang gamot laban sa cancer, high cholesterol, hypertension, at mental illnesses ang ginawa nitong exempted mula sa value-added tax (VAT).

Ayon sa BIR, ang cancer medicines na Avelumab, Acalabrutinib, Olaparib, at Trastuzumab ay VAT-exempt na.

Para naman sa may mataas na cholesterol, wala na ring VAT para sa Rosuvastatin, at Olmesartan medoxomil, Perindopril, at Indapamide + Amlodipine para sa mga hypertensive.

Samantala, ang mga gamot para sa mental illnesses gaya ng Sodium Valporate at Valproic Acid ay VAT exempted na rin.

Noong Enero ay inilagay ng BIR sa VAT exemption ang 21 gamot, at nadagdagan pa ng 20 noong Marso.

Anang ahensya, ito ay update sa listahan ng VAT-exempt drugs at medicines sa ilalim ng Section 109(AA) ng National Internal Revenue Code of 1997, na inamyendahan ang TRAIN Law at CREATE Act. RNT/JGC