Home NATIONWIDE Ilang residente sa Metro Manila inilikas sa baha dulot ng Habagat

Ilang residente sa Metro Manila inilikas sa baha dulot ng Habagat

Photo courtesy of Valenzuela City LGU

MANILA, Philippines – Inilikas ang ilang mga residente sa Metro Manila dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat ngayong Miyerkules, Agosto 28.

Sa Quezon City, 27 indibidwal o siyam na pamilya ang inilikas mula sa dalawang barangay na ngayon ay tumutuloy sa dalawang evacuation centers.

“Bilang pag-iingat sa pagbaha na dulot ng malakas na pag-ulan, mayroong itinalagang evacuation sites sa mga piling lugar na bahain o may banta ng landslide para sa ligtas at mabilis na evacuation ng humigit-kumulang 9 na pamilya o 27 na indibidwal sa ating lungsod,” ayon sa Quezon City government.

Samantala, kabuuang 131 katao o 33 pamilya naman ang inilikas sa Valenzuela City na ngayon ay tumutuloy sa Bartolome Covered Court at Valenzuela National High School.

Matatandaan na maraming lugar sa Metro Manila ang binaha dahil sa magdamagang malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Nasuspinde rin ang pasok sa mga paaralan at pamahalaan sa National Capital Region dahil sa masamang panahon. RNT/JGC