Home NATIONWIDE VAT sa komokunsumo ng 150KWh sa kuryente, tatanggalin ng Senado

VAT sa komokunsumo ng 150KWh sa kuryente, tatanggalin ng Senado

73
0

MANILA, Philippines – Naghain ng isang panukalang batas si Senador Risa Hontiveros upang tanggalin ang value added tax (VAT) sa monthly electricity bills sa sinumang komokunsumo ng 150 kilowatt-hour (kWh) o mas mababa pa sa gitna ng kumakalat na  “bill shock” sa tumataas na singil sa kuryente.

Sa paghahain ng  Senate Bill No. 2093 o ang panukalang “Kuryente Relief Act”, sinabi ni Hontiveros na maaaring matanggal ang P250 hagngang P300 sa monthly bill ng consumer kapag tinanggal ang   VAT ng mga Filipikno na itinuturong na “energy poor” consumers  – kabilang ang low to lower-middle income households na ngayon nakikipag-buno sa mataas na gastusin sa gatong.

“Dapat lang na palawakin ng pamahalaan ang tulong nito mula low income hanggang middle income households na kadalasan ay di naabot ng subsidy programs. Makakatipid ang maraming pamilya kung tatanggalin natin ang VAT sa bill ng mga kabahayang di naman kalakihan ang gamit sa kuryente,” ani Hontiveros.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na sinumang household na komokunsumo ng P150 kwh kada buwan ay exempted sa pagbabayad ng VAT “and that this exemption shall be reflected in the statement of accounts of consumers “without prior need for application.”

“On average, a family of five living in areas like Metro Manila, with minimum wage income, consumes around 100 to 150 kWh per month, since they only need a handful of appliances or have limited air conditioning use. Marami ang ganyang pamilya na makikinabang sa VAT exemption,” aniya.

Habang umiiral pa ang mekanismo ng suporta tulad ng lifeline rate, sinabi ni Hontiveros na nakapagbibigay lamang ito ng limitadong relief dahil para lamang ito sa   “to the most marginalized consumers.”  “In contrast, the bill will benefit all households who will meet the consumption rate limit.”

“Ngayong sumisipa sa taas ang singil ng kuryente, pati middle income families ay nahihirapan na sa bayad sa kuryente. Our tax and energy policies should be more fair and adapt to this concerning reality,” giit ni Hontiveros.

Aniya, sususugan nito ang naunnang panukalang inihain, ang  VAT Exemption on Systems Loss Act (Senate Bill no. 2076), na naglalayong tanggalin din ang VAT sa  systems loss charges, at mabawasan ang bigat na pinapasan ng consumers.

“Puspusan nating isusulong itong Kuryente Relief Act at ibang reporma para matugunan ang daing ng mga consumers ngayong panahon ng krisis,” aniya. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here