Home NATIONWIDE VAT sa kuryente pinasisilip ni Legarda

VAT sa kuryente pinasisilip ni Legarda

64
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Loren Legarda sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Finance (DOF), at Energy Regulatory Commission (ERC) na repasuhin ang value-added tax (VAT) na ipinapataw sa singil sa kuryente, dahil posibleng nakadaragdag ito sa pagtaas ng presyo ng kuryente sa gitna ng tumitinding inflation.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 7.2 porsyento ang inflation noong Abril 2026 mula 4.1 porsyento noong Marso, dulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain, transportasyon, at utilities.

Giit ni Legarda, may ilang bahagi ng singil sa kuryente na hindi kita ng mga power utility kundi mga pass-through charges na ipinapataw ng batas, kabilang ang mga subsidy at kontribusyon na kinokolekta lamang at ipinapasa sa mga ahensya ng gobyerno o benepisyaryo.

“Electricity consumers are already contributing to government causes through these subsidies and charges. It is unfair to tax them on amounts that are merely collected and passed on, and do not form part of the utility’s income,” ani Legarda.

Binanggit niya ang BIR Revenue Memorandum Circular No. 116-2024 na nagsasaad na ang ilang singil gaya ng Universal Charge at Feed-in Tariff Allowance (FiT-All) ay hindi dapat patawan ng VAT.

Upang maisaayos ito sa batas, inihain ni Legarda ang Senate Bill No. 1963 na layong alisin sa VAT base ang mga pass-through, subsidy, at statutory charges na hindi bahagi ng kita ng mga utility.

Kabilang sa mga nais repasuhin ang GEA-All para sa renewable energy, RFSC para sa kapital na gastusin ng electric cooperatives, systems loss charges, at mga subsidy para sa mahihirap at senior citizens.

“Consumers have been shouldering these charges for so long,” dagdag ni Legarda.

Naghain din siya ng hiwalay na panukala sa ilalim ng Senate Bill No. 1857 o “Murang Bilihin at Serbisyong Medikal Act” na layong bigyan ng VAT exemption ang basic residential electricity consumption, depende sa itinakdang limitasyon ng mga regulator. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here