Home METRO Vendor na wanted sa kasong pagpatay sa Leyte, nasakote sa Caloocan

Vendor na wanted sa kasong pagpatay sa Leyte, nasakote sa Caloocan

1
0

CALOOCAN CITY, Philippines – Nasakote na ng pulisya ang isang vendor na wanted sa kasong pagpatay sa probinsya ng Leyte nang masukol ng tumutugis na kapulisan sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ang 29-anyos na akusado ng Brgy. Commonwealth Quezon City ay nakatala bilang Most Wanted sa DILG at may reward na halagang P340K.

Nang makatanggap ng impormasyon ang NPD na nagtatago sa lungsod ang akusado, kaagad isinagawa ng NPD District Special Operations Unit (DSOU), katuwang ang Dagami Municipal Police, at Service Support Division ng Intelligence Group (SSD-IG) ang operation laban na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa puganti sa Brgy. Kaunlaran, Caloocan.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Agosto 17, 2022 ng Regional Trial Court (RTC) Eight Judicial Region Branch 15 ng Burauen, Leyte para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang ipiniit sa custodial facility ng NPD-DSOU ang akusado habang pino-proseso ang pagbabalik ng warrant of arrest sa hukuman sa Leyte na maglalabas ng kautusan para sa paglilipat sa kanya sa Provincial Jail ng Leyte province. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here