Home METRO Vi, pumalag sa pandadamay ng missing sabungeros sa Taal!

Vi, pumalag sa pandadamay ng missing sabungeros sa Taal!

239
0

Manila, Philippines – Nilinaw ni Batangas Governor and Star For All Seasons na si Vilma Santos  na wala pang lumapit sa kanya para mag-imbestiga sa Taal Lake.

Ito kasi ang itininuturong lugar na diumano ay nilaglagan daw ng bangkay ng mga nawawalang sabungero, ayon sa whistleblower na si Julie Patidongan.

Pero para kay Governor Vilma, ang priority niya sa ngayon ay ang kapakanan ng kanilang mga Batanguen̈ong mangingisda.

Pahayag ni Governor Vilma, “It’s the hottest issue now. Pero wala pa rin namang resulta or confirmation of what’s going to happen. So, didisesyunan pa yan ng legal ba ‘yun? Uh, titingnan nila yung legal.”

Ang concern ni Governor Vi ay nadadamay ang Taal Lake at ang kabuhayan ng kanyang mga kababayan sa Batangas.

Paliwanag ni Governor Vilma, “At kahit paano with this news hindi naman natin alam kung confirmed or hindi, kesyo may mga katawan d’yan, naaapektuhan ang business ng mga mangingisda namin.

“And you know, that happened a long time ago. Three years ago. So, kahit paano sana huwag naman. Kasi kahit paano naapektuhan ang kabuhayan ng aming….ng mga Batanguen̈ong mangingisda, oo.”

“Tsaka hindi naman natin alam kung totoong nand’yan nga, you know. So, huwag naman sana. Huwag naman sana.”

Ayon pa kay Governor Vilma, “Ah, hindi muna ako masyadong nakikialam d’yan. May ibang naghahawak ng kasong yan. Wala pa namang kasiguraduhan.

“Ang concern ko lang, sana ingat naman tayo na palabasin na hindi maganda ang status ng Taal Lake. Dahil naapektuhan ang buhay ng ating mga mangingisda.

“And ang priorities ng ating risk reduction management council ay pangalagaan ang mga signal ng volcanic eruption.”

Nasa alert level 1 daw ang Taal Lake nu’ng makausap namin si Governor Vilma sa Kapitolyo ng Batangas pagkatapos sa kanyang inaugural speech, ang unang araw ng kanyang panununungkulan bilang Gobernador muli ng Batangas.

“So sa ngayon, I think ito talaga ang dapat bigyan namin ng focus. This Is our priority. Naka-alert level 1 tayo ngayon sa Taal, oo,” diin pa ni Governor Vilma.

Present sa inaugural address ni Governor Vi ang kanyang panganay na anak at TV host na si Luis Manzano kasama ang misis na si Jessy Mendiola, ganu’n din ang mga kaibigan sa showbiz gaya ng mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti with their only daughter na si Djanin Cruz.

And of course, present din sa inaugural address ni Governor Vi  ang mga Mayor sa iba’t ibang bayan sa Batangas at mga bagong halal na public servants sa lalawigan.

Ngayon pa lang ay excited na ang mga taga-Batangas sa mga programa ni Governor Vi para sa kanyang mga kababayan. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here