Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, mas bet maging beauty queen kesa maging senador!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Vice Ganda, mas bet maging beauty queen kesa maging senador!February 23, 2026 18:491860 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sumalang sa truth or lie challenge si Vice Ganda nang maging panauhin siya sa vlog ni Kris Bernal.Sinadya pa kasi ng aktres si Meme sa noontime show nito para makapanayam.Ani Vice, wala raw sa plano nila ng partner na si Ion Perez ang mag-ampon ng baby.Sa tanong naman kung ano ang mas importante sa kanya kung award o box office, aniya ay mas preferred daw niya ang huli sa una.Katuwiran niya, mas bet daw niya ang kumita ang kanyang mga pelikula.Dagdag pa niya, hindi raw maibabayad sa mga gastusin ng produ ang kanyang award o trophy.Gayunpaman, happy naman siya na both ay na-achieve ng kanyang last MMFF entry.Nang usisain naman kung bet niyang kumandidato bilang senador, waley na waley daw ito sa plano niya.Katunayan, mas bet daw niya ang maging beauty queen. Archie Liao