Manila, Philippines- Pinangunahan ni Vice Ganda ang talaan ng mga Top Celebrity Taxpapers 2024 sa ginanap na BIR Tax Campaign kick-off event sa Quezon City kamakailan.
Nakatanggap ng parangal ang binansagang Unkaboggable Star.
Sa kanyang mensahe, iginiit ng It’s Showtime host na mahalagang magbayad ng buwis.
Responsibilidad daw ito ng bawat mamamayan sa pamahalaan.
Kasabay nito ay ang karapatan ng sinumang taxpayer na malaman kung saan napupunta ang ibinabayad niyang buwis.
Obligasyon daw ng pamahalaan na ipaalam sa mga mamamayan where the taxpayers’ money go.
Sumunod kay Vice Ganda na pinarangalan ay ang Viva artist na si Julia Barretto.
Sinundan ito ng Kapuso actress na si Kathryn Bernardo.
Nasa ikaapat na puwesto si Kim Chiu.
Ang iba pa ay kinabilangan nina Darren Espanto, Dennis Trillo, Dingdong Dantes, etc.
Years ago noong very much active pa siya sa limelight ay laging nangunguna ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Pero tulad ng alam ng lahat, ilang taon nang walang regular source of income si Kris buhat nang dapuan ng autoimmune disease.
Sa mga Top Celebrity Taxpapers 2024, walang binanggit kung magkanong buwis ang kanilang ibinayad sa BIR. Ronnie Carrasco III