Home ENTERTAINMENT Vice, sinabing buo na ang pagiging artista!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Vice, sinabing buo na ang pagiging artista!July 12, 2026 12:3110 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Gaya ng naibalita ay magsasanib-puwersa nga sina Vic Sotto at Vice Ganda sa higanteng telon!Inanunsyo na nga ang kanilang first ever collab, na ikina-excite ng kanilang mga tagahanga.Naganap ito sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City nitong July 5.Ang title ng kanilang ilalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre: The Greatest Showdown.Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Jun Robles Lana.Ani Vice Ganda, asahang puro katatawanan ang hatid ng nasabing pelikula nila ni Bossing.Kakaiba ito sa dalawang magkasunod na MMFF entry niya na kapwa may pagkaseryoso.Patuloy pa niya, katuparan daw ito ng matagal na niyang pangarap na makasama si Bossing.“Buo na ang pagiging artista ko!” pagmamalaki ng Unkabogable Star.Topgrosser ito tiyak! Ronnie Carrasco III