Home ENTERTAINMENT Victor Neri, law graduate na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Victor Neri, law graduate na!June 21, 2025 12:293340 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — One’s pursuit of higher education knows no age.Ito ang napatunayan ni Victor Neri na nagtapos ng kursong Law sa University of Bohol.Hindi nga alintana ng action star ang kanyang edad na 49, basta makatapos lang ng pinangarap niyang kurso.Noong 2007, talikuran ni Victor ang showbiz para bigyang-daan ang kanyang pag-aaral ng culinary arts.Nagtapos siya sa Le Cordon Bleu sa Bangkok, Thailand.Kinalaunan, naging chef-restaurateur si Victor sa itinayong resto na pinangalanan niyang Sautè.Si Victor ay isa sa mga pioneers ng Star Circle, na ngayo’y tinatawag nang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.Isa lang siya sa listahan ng mga celebrities na ipinagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sa kabila ng kanyang edad.Congrats, Victor—o dapat bang sabihing, future Atty. Neri?! (Ronnie Carrasco III)