Home ENTERTAINMENT Sam, nagpa-stem cell; Diabetes, lumalala!

Sam, nagpa-stem cell; Diabetes, lumalala!

Manila, Philippines — Ibinunyag ni Sam Milby ang pagpapa-stem cell niya sa isang clinic dito sa Pilipinas sa kanyang pinakabagong Instagram post. May kinalaman ito sa health issue ni Sam kaya siya nagpa-stem cell.

Noong nakaraang taon, sa parehong buwan, inihayag ni Sam ang pagkakaroon niya ng Type 2 diabetes.

Ipinost ni Sam sa Instagram ang larawan niya habang nakahiga sa medical bed sa isang clinic.

Caption ni Sam, “First time to try stem cell therapy to help improve my type 2 diabetes. Excited to share with you guys my journey. Thanks Villa Medica!”

Sa isa pang post, ibinahagi ni Sam ang video ng kanyang bagong “journey” sa buhay, ang pagpapa-stem cell sa nabanggit na clinic.

Sa naturang video, sinabi ni Sam na dalawang taon na pala siyang may Type 2 diabetes.

Inamin niya na habang tumatagal ang kanyang kondisyon, lalo raw itong lumalala.

Pahayag ni Sam sa video sa kanyang latest IG post: “I’m going to… for my first time, do my stem cell therapy for reverse diabetes.

“I’ve been diagnosed for two years now and sadly, this year has been a bit rough for me. It’s parang lumalala habang tumatagal.”

Umaasa si Sam na sa pamamagitan ng pagpapa-stem cell ay maibabalik ang function ng kanyang pancreas at mabawi ang blood sugar control gamit ang Pancreas-Specific Stem Cell Therapy na nagmula sa Germany.
(Julie Bonifacio)