Home ENTERTAINMENT Kris, nagkalaman na ang mukha!

Kris, nagkalaman na ang mukha!

Manila, Philippines — Ayaw pa ring patahimikin ng publiko si Kris Aquino sa kanyang pamamahinga sa isang undisclosed na lugar.

Kaya kahit maliit na tsika lang tungkol kay Kris sa social media, sandamakmak pa rin ang mga nagre-react.

Sa ngayon, mga kaibigan na lamang ni Kris ang may access sa kanya at sila lang ang nakakaalam ng kanyang kinaroroonan.

Isa na rito si social media personality Loi Villarama, na mas kilala bilang Mama Loi ng netizens.

Kamakailan, nag-post si Mama Loi ng larawan nila kasama si Kris at ang anak nitong si Bimby habang nakahiga sa kama. Na-upload ito sa Instagram.

Caption niya, “Love love love KCA @krisaquino and Bimb Vitamin Sea is working for her. She is in a safe place by the beach, nahihirapan pa rin pero lumalaban. Wag po maniwala sa mga clickbait at fake news… let’s keep on praying for her po.”

Napansin ng netizens ang pagbuti ng itsura at katawan ni Kris kumpara sa mga nakalipas na buwan.

“She’s looking better.”

“Wow, maaliwalas mukha ni Miss Kris, patuloy na ipagdarasal po ang kagalingan mo.”

“Parang nagkalaman pa si Kris.”

Ngunit may ilang netizens din ang nagkomento na tila pamamaga ang pag-umbok ng mukha ni Kris, hindi laman.

“Naku, mukha niya sabi ng asawa ko nung huling nakita niya sa BGC si Kris, sobrang payat at manas ang mukha.”

“Normal po yan kapag under steroids medications. Danas ko din yan,” ayon sa isa pang netizen.

Ganern? (Julie Bonifacio)