Home NATIONWIDE Vietnamese national tiklo sa illegal na pagreretoke

Vietnamese national tiklo sa illegal na pagreretoke

MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) -Organized and Transnational Crime Division (OTCD) ang isang Vietnamese national dahil sa pagreretoke o ‘illegal practice of medicine’.

Ayon kay NBI director Judge Jaime Santiago, ang pagkaaresto kay Trinh Thi Kieu Nguyen alyas Dr. Rosa sa Mandaluyong ay bahagi ng kampanya laban sa illegal na pagsasagawa ng anumang medikal na gawain.

Sinabi ni Santiago na nag-ugat ang operasyon mula sa confidential informant kaugnay sa illegal practice ng medisina ng isang baabeng Vietnamese national sa isang beauty clinic sa Mandaluyong City.

Nagsaawa naman ng surveillance operation ang NBI-OTCD at nakumpirma ang impormasyon.

Si Nguyen ay nag-aalok ng medical procedures tulad ng eyelid surgery, vaginal tightening, Botox at iba pang cosmetic procedues sa JK Beauty Clinic (JK) na matatagpuan sa ground floor ng Jovan Condominium Building sa Mandaluyong City.

Ang informant ang siyang naging poseur costumer na nakakuha ng appointment para sa Botox procedure at nano filler sa baba sa halagang P8,000 bawat isa o kabuuang P16,000.

Bago magsimula ang procedure, pinasok na ng mga operatiba ng NBI-OTCD ang clinic at inaresto ang Vietnemese national.

Narekober sa operasyon ang ibat-ibang medical paraphernalias at marked money na ginamit ng mga otoridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden