MANILA, Philippines – Hinirang ni Pope Francis si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang miyembro ng curial institutions.
Inanunsyo ng Vatican na ang pagkakatalaga kay Cardinal David ay bilang miyembro ng Dicastery for the Doctrine of Faith na bahagi ng Roman Curia na binuo ni Pope Paul III noong 1542.
Ang saklaw ng mga aktibidad nito ay pinalaki sa paglipas ng mga taon.
Noong 1988, sa ilalim ni Pope John Paul II, ang responsibilidad nito ay tinukoy bilang “itaguyod at ipagtanggol ang doktrina ng pananampalataya at ang mga tradisyon nito sa buong mundo ng Katoliko.”
Inihayag ng Vatican noong Oktubre 2024 ang pagkakatalaga kay Bishop David.
Noong Disyembre, pormal siyang itinaas ni Pope Francis bilang kardinal sa panahon ng Ordinary Public Consistory for the Creation of New Cardinals na ginanap sa St. Peter’s Basilica.
Si David ang ikasampung kardinal na Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden