Home METRO Vietnamese national timbog sa ilegal na droga sa Pasay

Vietnamese national timbog sa ilegal na droga sa Pasay

MANILA, Philippines- Arestado ng mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) ng Pasay City police ang isang Vietnamese national na nahulihan ng shabu nitong nakaraang bisperas ng Bagong Taon sa lungsod.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames ang nadakip na suspect sa pangalan lamang na Qnguyen.

Ayon kay Mayames, naganap ang pag-aresto sa suspek dakong alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng Shore I, Seaside Boulevard, Barangay 76, Zone 10, Pasay City.

Sinabi ni Mayames na sa mga oras na iyon ay kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang pagpapatrulya ang mga miyembro ng SIS nang kanilang mamataan ang suspect na nagbukas ng plastic bag na naglalaman ng pakete ng kape ngunit aksidente itong nahulog sa kalsada.

Sa pagkakataong ito ay lumapit ang isa sa mga operatiba upang tulungan itong damputin ang nahulog na pakete ng kape ng suspect nang mapansin nitong may inilagay na isang sacket ng hinihinalang shabu sa nakabukas nang pakete ng kape na kanyang hawak-hawak.

Bilang standard operating procedure o SOP ay sumailalim sa pagsisiyasat ang suspect kung saan nakuhanan ito ng mga operatiba ng SIS ng 1.50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,200.

Dagdag pa ni Mayames na bukod pa sa shabu ay nakuhanan din sa posesyon ng suspect ang isang maliit na plastic na naglalaman ng isang kulay pulang tableta, 1 glass tube pipe, at 2 medium-sized plastic sachets na naglalaman naman ng 2 disposable lighters.

Kasalukuyang nakapiit si Qnguyen sa custodial facility ng Pasay City police kung saan nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal possession of prohibited drugs. James I. Catapusan

Previous article4 barangay tanod sa Las PiƱas sinampahan ng kasong murder
Next articleNat’l rice program popondohan ng P30.8B sa 2024 budget