Home NATIONWIDE Vigil ni Pope Francis sa Portugal nilahukan ng 1.5M pilgrims

Vigil ni Pope Francis sa Portugal nilahukan ng 1.5M pilgrims

PORTUGAL – Aabot sa 1.5 milyon ang mga pilgrim na nagtungo sa Lisbon, Portugal para sa vigil na isinagawa ni Pope Francis bilang bahagi ng global Catholic youth festival.

Sabay-sabay na humiyaw at nagdiwang ang mga mananampalataya sa pagdaan ni Pope Francis sakay ng kanyang “popemobile” patungo sa stage sa Parque Tejo.

“We are the pope’s youths!” sigaw ng mga kabataan, dala ang mga bandila ng kanilang bansang pinagmulan.

Hinimok naman ng Santo Papa ang mga ito na “pick themselves up” kung sila man ay nakararanas ng mga kahirapan sa buhay.

“Those who remain on the ground have retired from life, have lost their hopes and dreams,” dagdag pa niya.

Sa pamamagitan ng mga drone ay binuo ang salitang “rise up” at “follow me” sa himpapawid upang makita ng mga pilgrims, kasabay ng pagsasalita ng Santo Papa.

Ang naturang vigil ay hindi napigilan sa matinding init at mataas na temperatura gayong ang Europa ay nakararanas din ng heat wave.

Bago nito, binisita ni Pope Francis ang shrine of Fatima, isang revered site sa hilaga ng Lisbon kung saan sinalubong naman siya roon ng 200,000 katao.

Ang World Youth Day, ay itinatag noong 1986 ni John Paul II na pinakamalaking Catholic gathering sa mundo. RNT/JGC