Home NATIONWIDE Villanueva naghain ng counter-affidavit sa P150-M kickback sa flood control project –...

Villanueva naghain ng counter-affidavit sa P150-M kickback sa flood control project – DOJ

245
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senador Joel Villanueva nitong Lunes, Enero 5, na hindi siya nakatanggap ng P150 milyon mula sa umano’y anomalous flood control projects.

Sa kanyang counter-affidavit na isinampa sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni Villanueva na “ridiculous” ang mga kasong isinampa laban sa kanya. “S’yempre nirerespeto natin ‘yung legal process,” ani Villanueva.

Ipinunto ng senador na matagal na niyang ipinaabot ang kanyang pagtutol sa ilang flood control projects, na nagdulot din ng hindi pagkakaunawaan kay dating Ako Bicol Party-List congressman Elizaldy Co, na kinasuhan na sa Sandiganbayan.

“Tapos doon sa complaint one percent pa ang ibinibigay ni Zaldy Co sa akin,” dagdag niya.

Ayon sa abogado ni Villanueva na si Ramon Esguerra, may 29 respondents ang kaso at sinasabi rito na nilabag ni Villanueva ang Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon sa reklamo, umano’y naideliver ang P150 milyon sa aide ng senador na si “Peng” noong 2023.

“Pinakita namin si Peng dito na nag-deny na nakatagpo si Engineer Alcantara sa araw at oras na sinabi niya,” sabi ni Esguerra.

Binanggit niya na “illogical” at hindi makatwiran ang paratang na dala-dala ni Alcantara ang P150 milyon sa naturang lugar.

Dagdag pa niya, may conflicting testimonies ang ibang DPWH witnesses, at sinabi ni dating Undersecretary Roberto Bernardo na wala siyang kinalaman sa scheme.

“Naniniwala ako in the end justice will prevail here,” pagtatapos ni Villanueva. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here