Home TOP STORIES Villar, naghatid ng tulong sa jeepney drivers at mangingisda sa Pampanga

Villar, naghatid ng tulong sa jeepney drivers at mangingisda sa Pampanga

85
0

Pinangunahan ni Senador Mark Villar ang pamamahagi ng grocery packs at sako-sakong bigas sa mga jeepney drivers at mangingisda sa Apalit, Pampanga, sa ilalim ng MARKalinga Program, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na suportahan ang sektor ng transportasyon at pangingisda sa gitna ng nagpapatuloy na energy at oil crisis.

Pinangunahan ni Senador Mark Villar ang pamamahagi ng grocery packs at sako-sakong bigas sa jeepney drivers at mangingisda sa Apalit,Pampanga sa ilalim ng MARKalinga Welfare Assistance Program. Personal na nakipag-ugnayan si Senador Villar sa mga jeepney driver at mangingisda upang pakinggan ang kanilang mga hinaing at kalagayan sa kabuhayan sa gitna ng pandaigdigang krisis sa krudo.

“Sa pamamagitan nito, kinikilala natin ang dedikasyon ng ating mga jeepney driver at mangingisda na araw-araw na naglilingkod sa publiko sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap. Sa kabila ng mga pagsubok sa kanilang kabuhayan, patuloy silang nagsusumikap para sa kanilang pamilya, kaya nararapat lamang na ipagpatuloy natin ang suporta sa kanila,” ani Villar.

Sa isang nakaraang pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, binigyang-diin ang lumalalang sitwasyon sa sektor ng pangingisda, kung saan iniulat ng mga kinatawan ang malalaking pagkalugi dulot ng tumataas na presyo ng gasolina at gastusin sa operasyon. Dahil dito, bumababa ang bilang ng mga bangkang pumapalaot, naapektuhan ang suplay ng isda, at lalong nadaragdagan ang pressure sa seguridad sa pagkain.

“Umaasa tayo sa tuloy-tuloy at napapanahong tulong para sa sektor ng agrikultura at pangingisda upang masiguro ang katatagan ng suplay ng pagkain at patas na presyo sa merkado,” dagdag pa ng senador.

Muling tiniyak ng senador ang kanyang suporta sa pagpapatibay ng mga polisiyang magpapalakas sa pangmatagalang suporta para sa mga manggagawa sa transportasyon at pangingisda, kabilang ang mas pinahusay na access sa tulong ng pamahalaan at mga programang makatutulong upang maibsan ang epekto ng pabago-bagong presyo ng langis.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na interbensyon ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng suplay ng pagkain at patas na kondisyon sa merkado.

“Kayo ay mahalagang bahagi ng ating ekonomiya at seguridad sa pagkain. Sisiguraduhin nating nararamdaman ninyo ang suporta ng pamahalaan—hindi lamang sa oras ng krisis, kundi sa patuloy na pagbangon at pag-unlad,” pagtatapos ng senador. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here