Home TOP STORIES Villar nagpahayag ng pangamba sa taas-presyo ng langis

Villar nagpahayag ng pangamba sa taas-presyo ng langis

156
0
Nababahala si Senador Mark Villar sa inaasahang pagtaas ng presyo ng langis na makakaapekto sa mga sektor ng transportasyon, agrikultura, at presyo ng mga bilihin sa bansa. Saad ng Senador na susuportahan nito ang mga hakbang ng gobyerno para pagaanin ang pasanin ng mga kababayang Pilipino sa mga panahong ito.

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pangamba si Senator Mark A. Villar sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at krudo at ang posibleng epekto nito sa mga pamilyang Pilipino.

“Alam natin na mabigat sa bulsa ng ating mga kababayan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at krudo. Kaya mahalagang mapag-aralan natin kung ano pa ang maaaring gawin ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto nito sa ating mga mamamayan lalo na sa sektor ng agrikultura at transportasyon,” ani Villar.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, maaaring tumaas ng humigit-kumulang ₱17 hanggang ₱24 kada litro ang presyo ng fuel sa mga susunod na araw dahil sa reaksyon ng global oil markets sa tumitinding geopolitical tensions.

Nagbabala rin ang Department of Agriculture na kung magpapatuloy ang tensyon sa rehiyon, posibleng tumaas ang gastos sa fuel, fertilizer, at freight na makaaapekto sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Binanggit din ni Villar ang babala ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang matinding pagtaas ng presyo ng global crude oil ay maaaring magdulot ng pagtaas ng inflation at makaapekto sa gastos sa transportasyon, kuryente, at mga pangunahing bilihin.

“Lahat po tayo ay apektado dito kaya suportado po natin ang mga karagdagang polisiya o programa na maaaring ipatupad upang maprotektahan ang kapakanan ng ating mga mamamayan,” aniya.

Sinabi ni Villar na susuportahan niya ang mga hakbang na naglalayong patatagin ang presyo ng langis, palakasin ang energy security ng bansa, at maibsan ang epekto ng pagtaas ng fuel costs sa mga pamilyang Pilipino. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here