Home METRO 2 sunog na bangkay nadiskubre sa sunog na sasakyan sa N. Ecija

2 sunog na bangkay nadiskubre sa sunog na sasakyan sa N. Ecija

158
0

MANILA, Philippines — Natagpuan ng mga awtoridad ang sunog na bangkay ng isang lalaki at isang babae sa loob ng nasunog na sasakyan sa Peñaranda, Nueva Ecija nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat ng “Saksi” nitong Lunes ng gabi, nakatanggap ng report ang Peñaranda Police Station tungkol sa isang nasusunog na sasakyan ilang sandali bago mag-alas-11 ng umaga.

Pagdating ng mga pulis sa lugar, nadiskubre nila ang nasunog na sasakyan kung saan natagpuan sa loob ang mga bangkay ng dalawang biktima.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here