SANTA FE, Nueva Vizcaya – Natagpuan ng isang magsasaka ang bomba habang inaayos nito ang daloy ng tubig sa kanyang lupain sa Poblacion, Santa Fe, Nueva Vizcaya.
Sa ipinarating n ulat ni PMajor Fernando Bag-ayan, Hepe ng Santa Fe Police Station kay PCol. Jectopher Haloc, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO, dahil sa malakas na pag-ulan, lumantad ang unexploded ordnance (UXO) na 1000 lbs. at posibleng mula pa sa panahon ng World War 2.
Ayon sa Provincial Explosives and Canine Unit, nahirapan umano ang mga tauhan nila sa pag-ahon ng bomba dahil sa bigat nito at dulas ng daan.
Ayon kay PMajor Bag-ayan, buo pa ang nasabing bomba kung kayat naalarma rin sila nang makita ito.
Pansamantala dinala sa NVPPO headquarters bago ilipat sa Regional Office para sa tamang disposisyon. REY VELASCO