Home HOME BANNER STORY Ceasefire tinanggap ng Israel

Ceasefire tinanggap ng Israel

ISRAEL – Kinumpirma ng Israel na tinanggap nito ang kasunduan sa bilateral ceasefire sa Iran nitong Martes, Hunyo 24, ngunit nagbabala na ito ay “respond forcefully to any violation,” saad sa pahayag ni Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Idineklara ni Netanyahu na natugunan ng Israel “all the objectives of Operation Rising Lion — and much more.”

“Israel has removed a dual immediate existential threat – both in the nuclear and ballistic missile fields,” sinabi pa sa pahayag.

Idinagdag pa ng Israel Defense Forces na nakamit nito ang “full air control over Tehran’s skies,” at tinamaan ang iba’t ibang government sites ng Iran at nag-iwan ng matinding pinsala sa military leadership ng nasabing bansa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Israel sa US at sinabing “Israel thanks President Trump and the United States for their support in defense and their participation in eliminating the Iranian nuclear threat.”

“In light of the achievement of the operation’s objectives, and in full coordination with President Trump,” pumayag ang Israel sa ceasefire ngunit iginiit na handa silang gumanti kung kinakailangan. RNT/JGC