Home ENTERTAINMENT Kim, nagselos, nagbasag ng TV!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kim, nagselos, nagbasag ng TV!June 14, 2026 15:5510 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Huwag atakihin ng paninibugho si Kim Molina, may TV set na mababasag.True-to-life nga ang kuwentong ito dahil lang nagselos si Kim sa Vivamax star na kaeksena ng dyowang si Jerald Napoles.Kaya daw pala nilalambing-lambing siya ni Boss Vic del Rosario, ‘yun pala’y para kunin si Jerald para sa mapangahas na Vivamax movie.Ano naman kasi ang eksena that Jerald had to do–baka holding hands lang naman?“Hinde…holding parts of the body!” pagkokorek ni Kim, meaning, sizzling scenes pala.Dahil nga sa selos kung kaya’t ang napagbalingan ni Kim ay ang TV–as in binasag niya!Naikuwento ‘yon ni Kim kay Dimples Romana: “Sinabi ko kung bakit, kasi nga nagselos ako!”In fairness, nakabuti pa ‘yon dahil binilhan ni Dimples ng bagong TV si Kim.“Sabi niya, kunin daw namin sa mall.Pagdating sa mall, may malaking note na nakalagay na, ‘Wag na kayo mag-away.’ Kaya alam ng staff sa mall na nag-away kami ni Jerald!”Now that they’re married, payag na si Kim na gumawa si Jerald ng sexy movie–depende nga lang sa talent fee.If the price is right, ganern! Ronnie Carrasco III