Home NATIONWIDE Viral na reklamo sa na-deny na claim, sinuri ng PhilHealth

Viral na reklamo sa na-deny na claim, sinuri ng PhilHealth

3
0

MANILA, Philippines — Nakipag-ugnayan na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pamilya ng isang namatay na miyembro matapos mag-viral sa social media ang reklamo hinggil sa umano’y hindi pag-apruba ng kanyang hospital benefit claim.

Ayon sa PhilHealth, sinusuri nito ang buong pangyayari at direktang nakikipag-ugnayan sa mga kaanak ng miyembro.

Sinabi ng ahensya na nakausap na ng mga kinatawan nito ang asawa ng miyembro upang talakayin ang posibleng tulong at mga susunod na hakbang habang isinasagawa ang pagsusuri sa kaso.

Iginiit ng PhilHealth na nananatili itong nakatuon sa pagbibigay ng mga benepisyong nararapat para sa mga miyembro nito sa ilalim ng National Health Insurance Program.

Nilinaw rin ng PhilHealth na patuloy nitong nire-review ang detalye ng claim upang matukoy kung bakit ito umano’y hindi naaprubahan at kung may iba pang paraan upang matulungan ang pamilya ng miyembro. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here