Home NATIONWIDE Viral reckless driving ng PCG official tatalupan

Viral reckless driving ng PCG official tatalupan

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa viral reckless driving ng kanilang junior officer na nakunan sa South Luzon Expressway (SLEX).

Sa pahayag, kinilala ng PCG ang personnel na si Coast Guard Ensign Alain Anthony Agpalo.

Pagtitiyak ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavana sa publiko, makikipag-tulungan ito sa LTO sa imbestigasyon.

Aniya magsasagawa rin sila ng parallel investigation at paparusahan si CG Ensign Agpalo base sa ebidensya.

“Here in the Philippine Coast Guard, we do not tolerate officers or personnel violating existing laws and regulations implemented by other agencies. They must face the consequences of their actions,” sabi ni Gavan.

Noong Enero 4, nakatanggap ang PCG ng liham mula sa Land Transportation Office (LTO) na nagpakilalang si Agpalo ang motorcycle rider na umano’y ilegal na pumasok sa SLEX at tumangging huminto nang i-flag siya ng mga enforcer.

Inatasan si Agpalo na humarap sa LTO noong Lunes.

Dapat din siyang magsumite ng written explanation upang ipagtanggol ang kanyang sarili mula sa administratibong kaso dahil sa pagwawalang-bahala sa mga palatandaan ng trapiko at walang ingat na pagmamaneho, gayundin upang maiwasan ang pagbawi ng kanyang lisensya sa pagmamaneho.

Ayon sa PCG,natapos ni Agpalo ang kanyang pagsasanay sa Coast Guard noong Oktubre 2019, pagkatapos nito ay pormal siyang nanumpa bilang opisyal na miyembro. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)