Home HOME BANNER STORY Viral video na isinarang bahagi ng Commonwealth Ave para sa convoy ni...

Viral video na isinarang bahagi ng Commonwealth Ave para sa convoy ni VP Sara, pinasinungalingan!

MANILA, Philippines – Pinasinungalingan ni Vice President Sara Duterte ngayong Huwebes, Oktubre 5, na siya ang dahilan ng pagkagambala sa trapiko sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Makikita sa viral video na sinabi ng isang hindi pa nakikilalang pulis na isinara umano ang nasabing daanan dahil daraan ang convoy ng Pangalawang Pangulo.

Kinuhanan naman ng isang motorista ang video na siya ring nagtanong sa pulis ng dahilan ng biglaang pagsasara sa bahagi ng Commonwealth Ave.

Narinig ang pulis na nagsasabi na ito ay upang payagan ang convoy ni Duterte, na nag-udyok sa may-ari ng video na lumingon sa mga motorista sa trapiko at ipahayag na lahat sila ay kailangang huminto para sa convoy ng Bise Presidente.

Nilinaw naman ng Office of the Vice President (OVP) ang insidente at sinabing nasa Mindanao si VP Sara para sa World Teachers’ Day at iba pang aktibidad sa panahong iyon.

“The Vice President did not ask QCPD and will never ask government agencies, including law enforcement bodies, to carry out actions that would inconvenience the public or cause them harm,” anang OVP.

“The viral video is spreading injurious information that is purely grounded in falsity,” dagdag pa nito.

Sa pahayag, naninindigan ang OVP na “laging ilalagay ni Duterte ang interes at kapakanan ng publiko kaysa sa kanyang personal na interes at mga pribilehiyo.”

Nanawagan din ang opisina ng Pangalawang Pangulo sa Quezon City Police District (QCPD) na “iwasto ang pagkakamaling ito at ibunyag sa publiko ang VIP na sangkot sa pagsasara ng kalsada.”

“The OVP calls on QCPD to conduct an investigation and hold all those responsible accountable for their action, including the liability of the person who took the video and maliciously appended the traffic stop to the Vice President,” saad sa pahayag.

Sumulat din si Duterte ng liham kay QCPD Director Redrico Maranan na humihiling sa kanyang tanggapan na “imbestigahan ang insidenteng ito at panagutin ang mga responsable sa kanilang mga aksyon.”

Nais ni Duterte na maglabas ng public apology ang police officer at district director sa nangyari. RNT