Home OPINION PAG-INOM NG KAPE SA GABI, HINDI NAKASISIRA NG TULOG, AYON SA PAG-AARAL...

PAG-INOM NG KAPE SA GABI, HINDI NAKASISIRA NG TULOG, AYON SA PAG-AARAL SA AMERIKA

Sa pagsasaliksik na ginawa ng Florida Atlantic University at ng Harvard Medical School sa 785 na Amerikano, lumabas na hindi nakaaapekto sa pagtulog ang pag-inom ng kape kahit pa ito ay mayroong caffeine, isang substance na nagbibigay ng enerhiya.
Ginawa ang pag-aaral sa loob ng 5,164 na araw kung saan itinala ng mga researchers ang dami ng intake ng caffeine, alcohol at nicotine ng mga kalahok at maging ang kanilang pagtulog.
Napag-alaman na karamihan sa mga kalahok sa pag-aaral na gumamit ng sigarilyo o uminom ng alak bago sila natulog ay nabawasan ng 42.47 minutes na sleep duration habang sa mga uminom ng kape bago matulog ay walang anumang naging epekto, at nagtuloy-tuloy ang mahimbing nilang pagtulog.
Kaya ayon kay Dr. Neil Stanley, isang freelance sleep expert, ang ideya na nakasasama sa pagtulog ang pag-inom ng kape ay isang maling kaisipan. Dagdag pa niya, kung ikaw ay matagal ng umiinom ng kape bago matulog at nagkaroon ka ng problema o pagbabago sa iyong sleeping habit, iba ang dahilan nito at hindi ang kape mismo.
Batay sa datos, nasa 150 million Amerikano ang umiinom ng hanggang 400 million cups ng kape bawat araw, habang sa Pilipinas ay mayroong 85.6 million na mahilig magkape na kumukonsumo ng mula dalawa hanggang apat na tasang kape.
Isa sa mga paborito at hinahanap na coffee brand ng mga Pilipino ay ang NASH COFFEE na mayroong limang variants – white coffee, aroma in taste, brown coffee, creamy white, at chocolatier. Rekomendado ito ng inyong Agarang Serbisyo Lady dahil bukod sa timplang swak sa lasa ay abot-kaya pa ito ng bulsa lalo na ngayong may kamahalan ang mga bilihin dala ng inflation rate.

PAMPANGA IDEDEKLARANG
“CHRISTMAS CAPITAL” NG BANSA

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 6933 sa House of Representatives na kikilala sa lalawigan ng Pampanga na nasa Central Luzon bilang “Christmas Capital of the Philippines”.
Pinagbasehan ang pamosong giant lantern ng lalawigan o “Ligligan Parul” kung saan tuwing Kapaskuhan ay nagpapagandahan ang mga lumalahok na Barangay sa pagandahan at pa­lakihan ng parol sa San Fernando City.
Naging bahagi na ito ng tradisyon hindi lamang ng 2.43 million na Kapampangan kundi ng maraming Pilipino dahil dinarayo ang taunang giant lantern festival.
Ayon kay Congressman Aurelio Gonzales, Jr. ng ikatlong distrito ng Pampanga, makikita sa likhang mga parol ang kahusayan ng mga Kapampangan maging ang kanilang malalim na pagpapahalaga sa pananampalataya.
Idagdag pang kilala rin ang lalawigan na isa sa may pinakamasarap na mga putahe at pagkain. Malaki ang paniniwala na makakatulong sa lalawigan ang pagkilala sa pagiging isang cultural tourism destination.
Inaatasan din ng panukala ang DOT o Department of Tou­rism na isama sa national and regional campaigns nito ang magiging pagkilala sa Pampanga bilang “Christmas Capital” ng bansa. Ipinadala na ang aprubadong panukala sa Senado para sa konsiderasyon. Maaaring i-adopt ng Senado ang buong bersyon ng aprubadong panukala ng KAMARA para didiretso na ito sa bicameral committee.