MANILA, Philippines – Ang easterlies ay magdadala ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Miyerkules, iniulat ng PAGASA.
Ang Silangang Visayas, Caraga, at Davao Region ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies na may mga flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized thunderstorm na may flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkulog.
Sumikat ang araw bandang 5:43 a.m., habang lulubog ito sa 6:15 p.m. RNT