Home Uncategorized Visa-on-arrival para sa mga Pinoy pinaplantsa ng Pinas, Papua New Guinea

Visa-on-arrival para sa mga Pinoy pinaplantsa ng Pinas, Papua New Guinea

MANILA, Philippines – PLANO ng Papua New Guinea (PNG) na mag-alok ng visa-on-arrival (VOA) facility para sa mga Philippine passport holders.

Sa kanyang naging opisyal na pagbisita sa Maynila, kinumpirma ni PNG Foreign Minister Justin Tkatchenko na nag-uusap na ang Maynila at Port Moresby ukol sa memorandum of understanding na magiging tugon sa visa-free scheme ng Pilipinas para sa mga mamamayan ng PNG.

“We have already cleared that with the State Department in our government, and we look forward to that reciprocation with the Philippines so Filipinos can come to PNG and enjoy our wonderful country and feel much welcome,” ayon kay Tkatchenko.

Ang VOA ng PNG ay ang tanging available sa mga mamamayan ng Japan, Israel, Indonesia, China, at mga member states ng Melanesian Spearhead Group “on reciprocal basis”.

Sa kasalukuyan, ang mga Filipino na bumibyahe patungong PNG para sa turismo at negosyo ay kailangan na kumuha ng e-Visa.

Ang panukalang visa waiver arrangement ay kabilang sa mga paksa na tatalakayin sa nagpapatuloy na inaugural Philippines-PNG policy consultations sa Maynila.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hangad ng Maynila na itaas ang tourism exchanges at bilang ng mga byahe sa pagitan ng PNG at Pilipinas.

“While approximately 3,000 kilometers apart, our two proud maritime democracies share common values and realities that serve as impetus for closer and more productive bilateral engagement,” anito.

“The importance we place on family, the diversity of our peoples and languages, our geographic configuration, the richness of our biodiversity, and the abundance of natural resources are all significant commonalities in charting a steady and fruitful course to our bilateral ties,” dagdag na pahayag ni Tkatchenko. Kris Jose