Home NATIONWIDE Visa ops ng US embassy tuloy sa May 12 kahit holiday

Visa ops ng US embassy tuloy sa May 12 kahit holiday

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas na ipagpapatuloy nito ang lahat ng naka-schedule na visa interviews at operasyon sa Lunes, Mayo 12, 2025, sa kabila ng deklarasyon ng special non-working holiday ng Malacañang para sa halalan.

Ayon sa opisyal na pahayag, inaasahan pa rin ang pagdalo ng mga aplikante sa kanilang mga visa appointments. Bukas din ang Visa Application Center sa Parañaque City para sa photo at fingerprint collection.

Ang American Citizens Services (ACS) ay magpapatuloy ng serbisyo sa mga U.S. citizens na may appointment o may emergency concerns.

Para sa mga nais mag-reschedule ng appointment, maaaring bumisita sa www.usvisascheduling.com.

Ang Proclamation No. 878 ay inilabas upang bigyang-daan ang mga Pilipino na makaboto nang maayos sa Eleksyon 2025, alinsunod sa kahilingan ng Commission on Elections. RNT