Home NATIONWIDE Visayas, Bicol, Caraga, Marinduque, Romblon uulanin sa namumuong bagyo

Visayas, Bicol, Caraga, Marinduque, Romblon uulanin sa namumuong bagyo

MANILA, Philippines – Makaaapekto ang Low Pressure Area (LPA) ay magdadala ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Visayas, Bicol Region, Caraga, Marinduque, at Romblon ngayong Huwebes, iniulat ng PAGASA.

Ibinabala rin ang flash flood o landslide sa mga lugar na ito  sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, ang habagat ay makakaapekto sa western sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Bulacan, Laguna, Rizal, at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa labangan ng LPA na may flash flood o landslide na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila, Bataan, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, at ang natitirang bahagi ng CALABARZON at MIMAROPA ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng habagat na may mga pagbaha o pagguho ng lupa na nagaganap dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibilidad ng mga flash flood o landslide na magaganap sa panahon ng matinding pagkulog.

Ang forecast ng bilis ng hangin para sa Visayas, Mindanao, at Palawan ay mahina hanggang sa katamtaman na kumikilos sa timog hanggang timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon sa baybayin.

Ang natitirang bahagi ng Luzon ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa direksyong silangan hanggang timog-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw bandang 5:36 a.m., at lulubog ito ng 6:29 p.m. RNT