Home NATIONWIDE Visiting forces deal magpapalakas sa PH-Canada defense ties – embahada

Visiting forces deal magpapalakas sa PH-Canada defense ties – embahada

MANILA, Philippines- Maaari nang asahan ng Pilipinas ang mas malapit at mahigpit na defense cooperation sa Canada sa oras na ang Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) ay pumasok na sa pwersa.

Sinabi ng Canadian Embassy in Manila na ang negosasyon para saCanada-Philippines SOVFA, isang kasunduan na magbibigay pahintulot sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Canadian  Armed Forces na mag-operate at magsanay na magkasama sa kani-kanilang teritoryo territories, ay matagumpay na nagtapos.

Sa isang kalatas, sinabi ng Canadian Embassy na ang milestone o ang isang mahalagang yugto ay sumasalamin sa “unwavering commitment of both parties to strengthen bilateral relations.”

“This agreement will launch a new chapter in the Philippines-Canadian bilateral defense relationship – one that sees us working much more closely as trusted partners,” ang sinabi pa rin nito.

Winika pa ng embahada na ang kasunduan ay magpapalakas sa Defense Cooperation Memorandum of Understanding ng dalawang estado, na nilagdaan noong January 2024.

“In these turbulent times, Canada stands with friends and partners like the Philippines to uphold peace, stability, and respect for international law,” anito pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Canada’s Minister of National Defense Bill Blair na ang matagumpay na pagtatapos ng kasunduan ay “significant milestone for the overall bilateral relationship between the Philippines and Canada, which celebrated 75 years of diplomatic ties in 2024.”

Samantala, kapwa naman inanunsyo ng Department of National Defense (DND) at Canada’s Department of National Defense noong Marso 7 ang ‘capping of negotiations’ para sa SOVFA.

Sinabi ng DND na “looking forward” ito sa positibong epekto at inaasahan ito na “contribute to peace, stability, and cooperation in the Indo-Pacific region.”

Ang konklusyon ng SOVFA talks sa Canada ay kasunod ng ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement kasama ang Japan noong nakaraang taon at ang “capping of another SOVFA negotiation” kasama naman ang New Zealand noong nakaraang buwan. Kris Jose