Home NATIONWIDE VisMin apektado ng trough ng Tropical Storm Choi-Wan

VisMin apektado ng trough ng Tropical Storm Choi-Wan

1
0

MANILA, Philippines – Apektado ng trough ng Tropical Storm Choi-Wan ang Visayas at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, ang Mindanao, Western Visayas, Negros Island Region, at Central Visayas ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa trough ng Tropical Storm Choi-Wan ngayong Biyernes, Oktubre 2.

Ang nalalabing bahagi ng Visayas ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa kaparehong weather system.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here