Home IN PHOTOS Vlogger, trolls sasampulan ng NBI vs fake news

Vlogger, trolls sasampulan ng NBI vs fake news

MANILA, Philippines – Tinutukan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga trolls na nagpapakalat ng mga maling impormasyon at fake news sa social media at iba pang online sites at platforms.

Sa Meet the Press Forum nitong Huwebes, sinabi ni NBI Director Jaime Bautista na masyado nang pambabastos sa ilang personalidad ang ginagawa ngayon sa social media ng trolls.

Ayon kay Santiago, pinupukpok niya na ang kanilang cybercrime unit upang matukoy ang trolls at mga vlogger na ito.

Paliwanag ni Santiago, bagamat mayroong freedom of speech at freedom of expression, iginiit niya na hindi ito karapatan para gumawa ng maling istorya.

Aniya, sa susunod na araw ay may masasampolan ang NBI– isa rito ang kilalang US-base vlogger na si Maharlika na puwedeng hilingin sa ilalim sa extradition.

Sinabi ni Santiago na isasampa nila ang reklamo sa susunod na mga araw o linggo ang reklamo sa Department of Justice laban sa mga trolls.

Pero ang isasampang kaso ay depende aniya sa kalalabasan ng pagsisiyasat ng DOJ mula sa paglabag sa anti-cybercrime law hanggang sa inciting to sedition

Kasama rin sa inaalam ng NBI ay ang post na panghihikayat umano ng people power ni dating Presidential Spokesman Harry Roque.

Kung totoo aniya ito, mas mabuting bumalik ng bansa ang dating kalihim at pangunahan ang pagkilos.

Samantala, may ginagawa nang hakbang ang NBI na preparasyon laban sa cyber attack sa sistema ng NBI. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)