Home ENTERTAINMENT Andrea, dinenay si Sam, kahit galawang magjowa na!

Andrea, dinenay si Sam, kahit galawang magjowa na!

Manila, Philippines- Usap-usapan ngayon ng mga tsismosang kapitbahay ang pagkalat ng litrato ni Andrea Brillantes kasama ang atletang si Sam Fernandez na nali-link sa kanya.

Ang siste, binibigyan ng malisya ng mga kate-katera at sawsawera ang latest sighting sa kanilang dalawa.

Paano naman kasi, seen ang dalawa na dating while holding hands sa isang golf club.

Hirit pa ng mga nagmamaldita, mahilig daw sa athlete ang aktres.

Si Sam ay isang Fil-Jordanian athlete na kasalukuyang nag-aaral sa San Beda.

Dati siyang footballer na nag-shift sa hard court.

Naging bahagi rin siya ng NCAA season 92 junior division at naglaro sa Palarong Pambansa.

Dagdag pa ng mga nagmamahadera, magdyowa na raw ang galawan ng dalawa.

May netizens namang hindi maiwasang pagkumparahin si Sam sa ex ni Andrea na si Ricci Rivero na ngayon ay dyowa na ng isang konsehala ng Laguna.

Ito ang ilan sa komento ng kibitzers.

“Mahilig pala si Blythe sa basketbolista.”

“Obvious na magdyowa na ang galawan.”

“Well, sana magtagal sila.”

“I’m giving them six months.”

“Mas guwapo si Ricci na ex niya sa guy.”

“Andrea ‘Di Mabakante’ Brillantes.”

“Antagal na nung break up nila teh. Kahit yung Kathniel matagal na ring break.”

“She’s now of age. She deserves to be happy. Sana magtagal sila.”

“Swerte ng boyfriend niya. Galante na GF and sweet.”

“I mean she’s young, single and works hard. Why not.”

“Tisoy si guy. Iyon ang lamang niya kay Ricci.”

“Parang downgraded si Blythe. Mas kilala pa rin ang ex niya kesa sa guy.”

“He’s a Robert Pattison look alike.”

 “Holding hands. Tapos idedeny at sasabing friends lang. Huwag ako.”

Samantala sa isang panayam, inamin ni Andrea na nakikipag-date na siya kay Sam.

Gayunpaman, hindi raw totoong magdyowa na sila. Archie Liao