Home NATIONWIDE Slovenia, opisyal nang nagbukas ng embahada sa Pinas

Slovenia, opisyal nang nagbukas ng embahada sa Pinas

PORMAL na nagbukas ang Slovenian government ng embahada nito sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang misyon ng Slovenian government na itinatag sa Southeast Asian region.

Ang embahada nito ay matatagpuan sa RCBC Plaza sa Makati City, nagsimula ng kanilang inisyal na operasyon noong May 10, 2024, subalit ang consular services sa panahon na iyon ay limitado dahil ang chancery ay nananatiling sumasailalim sa construction phase.

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Visiting Slovenian Deputy Prime Minister at Foreign Minister Tanja Fajon ang opisyal na pagbubukas ng embahada sa isang seremonya noong March 11.

Kasama nito sina Foreign Affairs Undersecretary Maria Theresa Lazaro at Slovenian Ambassador to the Philippines Smiljana Knez.

“The world is changing more and more and more, and today more than ever, we need strong partnerships. The Philippines, like Slovenia, is a strong advocate of multilateralism, respect for international law and human dignity,” ang sinabi ni Fajon sa isang kalatas.

“I believe that the embassy will not only strengthen bilateral relations between the two countries, but will also open the door for Slovenian companies to new markets in the region and help citizens of both countries,” aniya pa rin.

Ang pagsasaayos sa embahada ay co-financed ng European funds -ang Border Management and Visa Policy Instrument. Dumating si

Fajon sa Pilipinas para sa isang opisyal na pagbisita mula March 10 hanggang 12.

Sa simula ng kanyang pagbisita, nagpulong sila ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para repasuhin ang oportunidad na magpapalakas sa bilateral cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Nagpalitan naman ang dalawang opisyal ng kanilang pananaw hinggil sa ilang kasalukuyang international issues, kabilang na ang situwasyon sa South China Sea, Myanmar, Ukraine, at Gitnang Silangan. Kris Jose