MANILA, Philippines – NATUKLASAN ng isang US federal judge na may pananagutan ang Chinese government para sa mga naging aksyon nito sa maagang yugto ng COVID-19 pandemic, kapasyahan na responsable ang Tsina para sa isekreto ang pagkalat ng virus at pag-imbak sa mahalagang protective equipment.
“US Judge Stephen Limbaugh Jr. of the US state of Missouri on Friday imposed a USD24 billion penalty on China, a move that officials vow to enforce by seizing Chinese assets, including land in the state,” ayon sa New York Times.
Ang asunto, pinasimulan ng Missouri’s attorney general’s office noong April 2020, inakusahan ang Tsina ng pagpigil sa mahahalagang impormasyon ukol sa ‘existence and transmission’ ng virus habang sabay-sabay na nililimitahan ang global supply ng personal protective equipment (PPE).
“The case, filed during the early months of the pandemic, claimed these actions contributed to significant delays in the US response,” ang sinasabi pa rin sa report.
Sa kanyang naging desisyon, tinukoy ni Limbaugh ang ebidensiya na batid ng Tsina ang paglaganap ng Covid ng mas maaga kaysa sa ibinahagi nito sa pandaigdigang komunidad.
Winika pa ng hukom na gumawa rin ng hakbang ang Tsina para i-nationalize o sarilin ng bansa ang mga American factories sa loob ng borders nito para iprayoridad ang domestic production ng protective equipment, limitahan ang availability nito para sa export at itaas ang presyo sa merkado gaya ng sa Missouri.
Binasura naman ng mga Chinese official ang nasabing desisyon.
Sa katunayan, tinawag ni Liu Pengyu, tagapagsalita para sa China’s Embassy in Washington, na ‘groundless’ ang kaso.
“The so-called lawsuit has no basis in fact, law or international precedence,” ang sinabi ni Liu sa isang kalatas.
“China does not and will not accept it. If China’s interests are harmed, we will firmly take reciprocal countermeasures according to international law,” aniya pa rin. Kris Jose